(photo courtesy of Chooks-to-Go Pilipinas)

Ni Edwin Rollon

Laro sa Martes (Mayo 4)

(Alcantara Civic Center, Cebu)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

6:00 n.g. -- #2 KCS-Mandaue* vs #3 ARQ Lapu-Lapu

*Twice-to-beat

ALCANTARA — Hinagupit ng ARQ Builders Lapu-Lapu City, sa pangunguna ng beteranong si Reed Juntilla, ang Dumaguete sa kabuuan ng second half tungo sa 92-76 panalo nitong Linggo ng gabi sa knockout quarterfinals ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Hataw ang pambato ng University of the Visayas sa naiskor na career-high 33 puntos mula sa 16-of-26 shooting, bukod sa pitong rebounds at isang steal para sandigan ang Heroes sa kombinsidong panalo at makamit ang karapatan na labanan ang KCS Computer Specialists-Mandaue City sa semi-finals na magsisimula sa Martes (Mayo 4) ganap na 6:00 ng gabi.

Mabigat ang laban ng ARQ sa Mandaue na tangan ang twice-to-beat advantage sa duwelo matapos makamit ang No.2 spot matapos ang double-round elimination na may 8-2 karta.

Ang magwawagi sa duwelo ang haharap sa naghihintay na MJAS Zenith-Talisay City sa best-of-three championship. Awtomatikong umusad ang Talisay sa Finals nang mawalis ang elimination sa six-team tournament ng kauna-unahang professional basketball league sa South.

“We just want our players to play their best game as possible,” pahayag ni ARQ assistant coach Jerry Abuyabor. “We want to focus on things we can control since we’re facing a KCS team that is good in transition and ball movement.

“We just want our boys to bring their 100-percent on defense and give their best for us to advance into the finals,” aniya.

Tangan ng KCS ang bentahe sa head-to-head duel sa ARQ sa elimination, 2-0, matapos magwagi 77-66 nitong April 20 bago umulit sa 75-66. Sa kabila nito, ayaw pakumpiyansa ni head coach Mike Reyes, higit at binubuo ang Lapu Lapu City ng mga beteranong sina Reed Juntilla, Jojo Tangkay, at Ferdinand Lusdo.

“We’ll have the same strategy as our second round game. We have to limit Tangkay, Lusdoc, and Reed,” pahayag ni Reyes. “We’ll make a few adjustments on defense and offense but mostly, just mental preparation.”

Sinamantala ng ARQ ang pagkahapo ng Dumaguete squad na galing sa pahirapang 67-65 overtime win kontra Tabogon sa stepladder phase ng playoffs Sabado ng gabi para maitarak ang 14-2 run sa pagsasara ng third period para sa 64-52 bentahe.

“Reed Juntilla is Reed Juntilla,” pahayag ni ARQ assistant coach Jerry Abuyabor. “He’s finally back! That’s the Reed Juntilla we have been missing for the past games."

Sa kabila nito, hindi nawalan ng loob ang Warriors at nagpakawala ng mainit na opensa tampok ang tatlong sunod na three-pointer ni Ronald Roy para maidikit ang iskor sa 71-77.

Ngunit, hindi na hinayaan ng ARQ na maagaw ng Dumaguete ang momentum matapos umiskor si Rino Berame sa putback at short jumper bago nasundan ng threepointer ni Juntilla para muling mahila ang bentahe sa 88-76 may 2:07 ang nalalabi sa laro.

Hataw din si Ferdinand Lusdoc sa ARQ sa natipang 16 puntos, pitong rebounds, at limang assists, habang kumana si Dawn Ochea ng 10 puntos, pitong rebounds, isang assist, isang steal, at isang blocked shot.

“Our guards did a good job running on the transition. We give a lot of credit to Jerick, (John) Abad, and Rendell (Senining),” sambit ni Abuyabor. “They were there to lead the boys to victory.”

Nanguna sa Dumaguete si Roy na may 30 puntos at walong rebounds, habang umiskor si Mark Doligon ng 18 puntos, anim na boards, tatlong assists, dalawang steals.

Iskor:

ARQ Lapu-Lapu (92)—Juntilla 33, Lusdoc 16, Ochea 10, Senining 7, M. Arong 6, Berame 6, F. Arong 6, Galvez 4, Cañada 2, Mondragon 2, Abad 0, Regero 0, Tangkay 0, Solis 0.

Dumaguete (76)—Roy 30, Doligon 18, Regalado 8, Mantilla 7, Monteclaro 6, Gabas 5, Tomilloso 2, Velasquez 0, Gonzalgo 0, Ramirez 0.

Quarterscores: 22-21, 40-42, 64-52, 92-76.