ni JUN FABON

Pinaiimbestigahan na ng Department of Health (DoH) sa Professional Regulation Commission (PRC) ang mga doktor na nagreseta ng Ivermectin sa Quezon City, kamakailan.

Ito ay matapos magpadala ang DoH ng pormal na reklamo sa PRC kaugnay ng nasabing kontrobersyal na gamot laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kabilang umano sa nilalaman ng liham ay ang invalid prescription na ibinigay ng mga doktor sa inilunsad na Ivermectin pantry sa Quezon City, kamakailan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Humihingi na rin umano ang DoH ng impormasyon kaugnay ng partikular na propesyon ng nasabing mga doktor.

May kautusan na rin umano si DoH Secretary Francisco Duque III sa Food and Drug Administration para magsagawa ng “parallel investigation.”

Kabilang umano sa mga doktor na nagbigay ng sinasabing invalid prescription ay sina Dr. Allan Landrito, Dr. Iggy Agbayani, Dr. Raffy Castillo, at Dr. Sham Quinto.