ni LIGHT NOLASCO

NUEVA ECIJA— Dalawa na ang dinakip ng Nueva Ecija Police dahil sa umano'y pagpapakalat ng pekeng balita sa gitna ng umiiral na nationl health emergency dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kamakailan.

Sa ulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakilala ang mga inaresto na sina 0liver Palomia, 24, residente ng Bgy. Hulo, San Antonio at Vener Padua Cortez, 44, ng Bgy. Cabu, Cabanatuan City.

Ayon kay San Antonio Police chief, Maj. Roderick Corpuz, ipinaaresto si Palomia dahil sa pag-po-post sa social media na ipinasara umano ng 14-araw ang pamilihang bayan na ikinabahala ng mga residente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa post naman ni Cortez, inilagay nito ang babala na "Mga kabarangay kong taga-Cabu, may positibo na po sa Palayan City sa coronavirus, kaya mag-ingat tayo sa pakikihalubilo sa hindi natin kakilala".

Dahil dito, kaagad na dinakip ng grupo ni Palayan City Police chief, Lt.Col. Renato Morales, si Cortez sa kanilang lugar.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code kaugnay ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal As One Act na nagdedeklara ng national emergency dahil sa COVID-19.