ni LEONEL ABASOLA
Pinayuhan ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DOH) na maglunsad ng malawakang kampanya para mapalakas ang tiwala ng publiko at mahikayat na magpabakuna habang naghihintay ng maraming suplay.
"What our officials including Health Sec. Francisco Duque III should do is improve the public's trust in vaccines, instead of just announcing when the vaccines will arrive. Besides, if very few Filipinos are willing to be vaccinated, the vaccines that actually arrive may go to waste," pahayag ng senador.
Aniya, kaya mababa ang bilang ng nagpapabakuna ay dahil sa kawalan ng tiwala at interes.
Bagama't ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maipasok ang mga bakuna, baka masira lang ito, aniya, dahil maraming Pilipino ang nananatiling mailap dito.
Giit ng senador, dapat pagtuunan ang DOH ang "prevention and cure" at hindi lang sa pag-ulat ng mga nag-positive at namatay sa COVID-19.