Isang month-long prayer marathon ang inilunsad nitong Sabado ni Pope Francis upang mapadali ang pagwawakas ng coronavirus pandemic katuwang ang isang panalangin sa St. Peter’s Basilica sa Vatican kasama ang nasa 150 mananampalataya.

Pinasimulan ng Argentinian pontiff sa isang rosary prayer ang simula ng serye na naka-live streamed bawat araw ngayong buwan, sa iba’t ibang Catholic shrines sa buong mundo.

Sumasakop ito mula Fatima sa Portugal at Lourdes sa France sa mga dambana sa Poland, Nigeria, Cuba at South Korea gayundin sa Basilica of the Shrine of the Immaculate Conception sa Washington.

Inaasahang matatapos ang pagdarasal para sa “wounded humanity,” sa Vatican Gardens chapel sa May 31.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Pinangunahan ni Pope Francis ang pagdarasal ng rosaryo para sa pagsisimula ng buwan ng Mayo, ang buwan ng arawang pagdarasal sa rosaryo sa mga Catholic shrines upang idalangin ang pagwawakas ng coronavirus pandemic, sa Gregorian Chapel sa loob ng Saint Peter’s Basilica, sa Vatican nitong Mayo 1, 2021. AFP PHOTO

Ang pagpili sa pagdarasal ng rosaryo ay nakaangkla sa tradisyon tuwing Mayo bilang buwan na inilaan ng mga Katoliko para sa Virgin Mary.

Para sa mga nais lumahok sa serye ng pagdarasal, hinihikayat ang mga ito na idalangin ang pagtatapos ng pandemya at pagbabalik ng buhay sa normal.

Binanggit ni Pope Francis ang “dramatic current situation, charged with suffering and anxiety,” halos 16 na buwan matapos unang umusbong ang virus sa China bago ito mabilis na kumalat sa buong mundo, na kumitil na sa buhay ng halos tatlong milyon at puminsala sa ekonomiya.

Nanawagan ang Santo Papa para sa proteksyon ng mga nagluluksa matapos maiwan ng mahal sa buhay “buried sometimes in a manner which wounds the soul” lalo na sa panahon ng social distancing.

Pinuri rin ng Papa ang “the heroic fatigue” ng mga doktor at nurses at iba pang medical personnel na inilalagay ang sariling buhay sa panganib upang maibsan ang paghihirap ng iba.

Idinalangin ni Pope Francis sa Virgin Mary “to illuminate the spirits of men and women of science so they may find good solutions to defeat this virus” at “touch consciences so that the enormous sums used to develop and perfect” those solutions” allow the prevention of such catastrophes in future.”

Agence-France-Presse