ni FER  TABOY

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 133 bagong kaso ng COVID-19 kahapon, kung saan pumalo na sa 20,398 ang kabuuang COVID-19 cases sa hanay ng pulisya.

Sa datos na inilabas ng PNP ASCOTF at Health Service, sa nasabing bilang, 1,669 ang active cases, 52 ang nasa hospital habang ang 1,617 ay nasa mga isolation facilities.

Ayon kay PNP ASCOTF Commander Lt.Gen. Guillermo Eleazar, pumalo na sa 18,673 ang total recoveries habang 142 ang nadagdagan na mga pulis na gumaling sa COVID-19.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Wala namang naitalang bagong fatality ang PNP at nananatili sa 56 ang mga pulis na nasawi sa nakamamatay na virus.