NAGTALA ng magkakahiwalay na panalo sina International Masters John Marvin Miciano ng Davao City, Michael Concio Jr. at Daniel Quizon ng Dasmariñas City, Cavite at National Master Merben Roque ng Cebu sa opening round ng Zone 3.3 Zonal Chess Championships 2021 online tournament Sabado ng gabi sa Tornelo platform.

Giniba ni Miciano si Arena International Master Chee Sian Sebastien Chua ng Malaysia matapos ang 52 moves ng King's Indian defense; pinasuko ni Concio si Choong Wai Edwin Lam ng Malaysia matapos ang 36 moves ng Double Fianchetto Opening; panalo si Quizon kontra kay Jerish John Velarde ng Cebu matapos ang 56 moves ng King's Pawn Opening; habang kinaldag naman ni Roque si Ern Jie Anderson Ang ng Malaysia matapos ang 63 moves ng King's Indian defense.

“The first round is one of the toughest rounds in any tournament. It usually sets the tone of how you’re going to perform," sabi ni National Chess Federation of the Philippines Chairman/President Senior Deputy Speaker Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr. na nanonood ng laro via live streaming sa chess24.com.

Panalo rin sina Fide Master Austin Jacob Literatus ng Davao City, National Master Michael Gotel ng Bulacan  at Kimuel Aaron Lorenzo ng Laguna.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Giniba ni Literatus si Gabriel John Umayan ng Davao City matapos ang 28 moves ng Trompovsky Opening, diniskaril ni Gotel si Jave Mareck Peteros ng Cebu matapos ang 42 moves ng Catalan Opening, habang nakalusot si Lorenzo kontra kay Richard Natividad ng Cebu matapos ang 59 moves ng King's Indian defense.

Nauwi naman sa tabla ang laban ni Lone Filipino Grandmaster Darwin Laylo kontra kay Rohan Shan Tze Navaratnam ng Malaysia matapos ang 41 moves ng English Opening.

Samantala ay nakapagtulak ng pinakamlaking upset sa first round si 27th seed Candidate Master Prin Laohawirapap  ng Thailand (ELO 2125) matapos gulatin si top seed Grandmaster Susanto Megaranto ng Indonesia (ELO 2550) matapos ang 55 moves ng Benoni defense.

Namayani din si 2nd seed Grandmaster Novendra Priasmoro ng Indonesia (ELO 2502) kontra kay 28th seed Arena Grandmaster Henry Roger Lopez ng Davao City (ELO 2107) matapos ang 43 moves ng King's Indian defense, habang pinayuko naman ni 3rd seed International Master Tin Jingyao ng Singapore (ELO 2482) kontra si 29th seed Xin Hao Looi ng Malaysia (ELO 2101) matapos ang 47 moves ng Nimzo Indian defense.

Ayon kay International Arbiter Casto "Toti" Abundo ng World Chess Federation ang ang top two players ay uusad sa World Cup sa Agosto sa Minsk, Russia.

May kabuuang 52 manlalaro na nagmula sa anim na bansa ang lumahok sa even.