ni REMY UMEREZ

May kasabihan na once an actress, always an actress. Ito ang nadama ni Maricel Laxa Pangilinan nang mag-comeback sa Paano Ang Pangako? ng TV5. Lima ang anak nila ni Anthony Pangilinan at isa rito ay si Donny na pinasok na rin ang showbiz.

“Mga grown- up na sila and can take care of each other. Basta maganda ang role tulad ng role ni Faith Aguinaldo sa Paano Ang Pangako. I don't mind acting again. Maganda ang karanasan ko sa locked-in taping at makatrabaho ang mga kabataang artista ngayon. Ang maipapayo ko sa kanila ay maging humble at maging seryoso.” pagbabahagi ni Maricel.

Hindi malabong magsama balang araw ang mag-inang Maricel at Donny sa isang project not necessarily bilang ina on the screen. Malayang lumabas si Maricel kahit saang network dahil freelancer ang aktres.

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa