ni CHARISSA LUCI-ATIENZA
Para sa mga ina na bagong nagsilang at nagdadalawang-isip sa pagpapabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), may mensahe ang isang medical expert para sa iyo: Magpabakuna ka.
Ayon kay Dr. Sybil Lizanne Bravo, Obstetrics and Gynaecology (OB-GYN) infectious diseases specialist ng University of the Philippines- Philippine General Hospital (UP-PGH) ligtas para sa mga ina na kapapanganak pa lamang na tumanggap ng COVID-19 jabs.
“Particular this COVID vaccine ngayon puwedeng puwede na po pagkalabas ng baby, preferably kung kaya, kaso wala pa sa system natin. After delivery, kung kayo ay makaka-lineup na po for COVID vaccine sa inyong LGU magpabakuna na po agad safe ang COVID-19 vaccine sa breast feeding o sa post-partum or kapapanganak na nanay. Please have your vaccine right away po (Particularly this COVID vaccine, this can be immediately received after the delivery, preferably if possible, however we don’t have yet the system. After delivery, if you can line up for COVID vaccine in your LGUs, have yourselves vaccinated immediately, COVID-19 vaccine is safe for breastfeeding or postpartum or moms who just gave birth. Please have your vaccines right away),” pahayag ni Dr. Bravo sa isang public briefing.
Aniya, para sa mga nagkaroon ng COVID-19 bago ang kanilang second dose kailangan nilang maghintay ng hanggang dalawang linggo.
“Ang minimum interval ay two weeks basta kayo ay asymptomatic, wala na kayong nararamdaman (The minimum interval is two weeks as long as you are asymptomatic, you feel nothing),” saad pa ng doktor.
“Anytime puwede na magpashot, basta two weeks na kayo nakarecover at wala ng sintomas (Anytime you can receive your shot as long as you have recovered for two weeks and have no symptoms).”
Sinamantala rin niya ang pagkakataon upang paalalahanan ang mga nagbubuntis na iwasan ang paglabas at manatili na lamang sa kanilang mga bahay para sa kaligtasan.
Sa unang bahagi ng pagbubuntis, aniya, pinapayuhan ang mga ina na samantalahin ang teleconsultation at makipag-ugnayan sa health centers para sa kanilang medical na pangangailangan.
Habang ang mga magsisilang pa lamang at mga may comorbidities ay inaasahang magpa-check up.