ni MARY ANN SANTIAGO

Walong katao ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa ilegal na tupada sa Bgy. Plainview, Mandaluyong City, kahapon.

Nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal na tupada ang mga suspek na sina Joshua Florez, 21; Jefferson Patingo, 31; Michael Sevilla, 36; Daniel Joseph Florez, 18; Maximo Narag, 38; Charles Rudolf Garcia, 19; Ben Nagas, 59; at Lourge Rudolf Garcia, 21.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong 12:30 ng tanghali nang arestuhin ang mga suspek sa 748 San Ignacio St., ng naturang barangay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa naturang aktibidad ng mga suspek.

Kaagad namang sumalakay doon ang mga tauhan ng Intelligence Unit at Sub-station 4 at nagsagawa ng anti-illegal gambling operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang sugatang manok na panabong na may tari at pustang P2,200.

Ang mga suspek ay kasalukuyan nang nakapiit sa Mandaluyong Police.