TARLAC CITY — Isang umano’y drug pusher na sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya ang nalambat ng mga elemento ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) sa anti-illegal drugs operation sa Block 8, Bgy. San Nicolas nitong Biyernes  ng gabi.

Ayon kay Police Major Rocky De Guzman, hepe ng PPDEU, ang naaresto ay si Angelo Narra, Jr., 19, at taga-Block 4, Bgy. Suizo ng lungsod.

Hindi na nakapalag ng suspek nang dakpin ito matapos na tanggapin ang marked money sa ikinasang buy-bust operation.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Leandro Alborote