Ang pagdiriwang ngayong taon ng Araw ng Paggawa o Labor Day ay naibaba sa nakaraan. Sa patuloy na paghahanap ng pamahalaan ng tamang kombinasyon ng health at safety protocols na tutugma sa hangarin na muling mabuksan ang ekonomiya, ang malaking kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa sa pangkalahatang kapakanan ng bansa ang nangingibabaw.
Itinulak ng COVID-19 ang mga frontliners sa kamalayan ng bansa. Ang kahulugan ng frontliners ay lumawak at lumawig higit sa doktor, nurses at iba pang critical health care workers.Ngayon kabilang na rin dito ang mga public transport drivers, supermarket cashiers at baggers, delivery crew motorcycle riders, at mga security guards.
Sa vaccination priority list, pinalawig ang category A4 upang isama ang 19 subgroups. Bagamat nariyan ang category “A4.2 – frontline government workers in the justice, security, transport, and social protection sectors,” mayroon na ring category “A4.6 – frontline government workers” bilang pangkalahatan; at “A4.11 – Construction workers in government infrastructure projects.”
May kalawakan ang sektor ng social protection. Lahat ng mga social workers na empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay maaaring mapasama sapagkat isinasaad sa Social Welfare Act (Republic Act No. 5416) na “Its mission is to provide social protection and promote the rights and welfare of the poor, vulnerable and disadvantaged individuals, families and communities.” Malinaw, isa itong kritikal na sektor sa batayan na malaking bilang ng mga pamilya ang marginalized at itinulak ng kalagayang pang-ekonomiya.
Ikinokonsidera ng economic team ng gabinete ang “Build, Build, Build,” projects bilang pangunahing anti-poverty na programa ng pamahalaan.Kaya naman pinalakas ng Department of Public Works and Highways ang proyektong pang-imprastraktura. Sa National Capital Region na sentro ng COVID-19 pandemic, nakalista sa DPWH 2021 budget ang 2,045 proyekto na nagkakahalaga ng P51.3 billion.Mas maraming proyekto, mas maraming trabaho at mababawasan ang kagutuman at kawalan ng trabaho.
Higit sa paglalagay sa kanila sa unahan para sa pila sa bakuna, ano pa baa ng maaari nating magawa upang mabigyan ng tamang pagkilala ang mga frontline workers at mapalakas ang kanilang kontribusyon sa pangkalahatang kapakanan ng lipunan?
Marahil panahon na upang bigyang-diin ang kahalagahan ng frontline o customer-facing workers sa mga kumpanya at oganisasyon sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa kanilang kontribusyon higit sa pamamagitan ng mas mataas na compensation – o pagbibigay sa kanila ng mas malaking bahagi ng kita.
Kailangang i-empowered ang mga frontline workers upang maipamalas nila ang kanilang natatanging galing at talino sa pagsisilbi sa mga kostumer. Kailangan ding kilalanin ang mga field workers na direktang humaharap sa mga kostumer o mga benepisyaryo gayundin ang mga naglalabas ng kautusan mula sa mga pangunahing tanggapan.
Sa pagpaplano ng pamahalaan at mga negosyo para sa “building back better,” kinakailangan na maisabuhay nila ang mga aral mula sa pandemya. Ipinaalala sa atin ng COVID-19 ang pangangailangan na kilalanin at itaguyod ang mahalagang konsepto ng : Dignidad sa paggawa.
Ginagampanan ng mga frontline at customer-facing workers ang tungkulin na nagpapanatili sa takbo ng lipunan sa gitna ng matinding krisis. Bukod sa pagiging prayoridad sa bakuna, karapat-dapat na bigyan sila ng mas mataas at mas patas na compensation. Nararapat sa kanila ang ating respeto at pagkilala