Ni Edwin Rollon

NASA dugo ba ang pagiging isang kampeon?

Posible. Maaari, depende sa sitwasyon at kinalakihang pamilya.

Ngunit, para sa magkasangga sa buhay na sina Japoy at Janice Lizardo, ang pagbibigay ng tamang gabay, respeto, tamang ehemplo at pag-aaruga sa mga bata ay ilan sa mga sangkap na kanilang ginagamit para sa kanilang mga supling at kabataan na nakakasama sa kanilang buhay bilang sports idol at ambassadors.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Una dapat, walang pilitan. Huwag mong ipagawa sa bata yung ayaw nila. Hayaan mo silang pumili sa nais nilang gawin. Once na nakita mo na okey gusto nila ang sports na ito at nag-eenjoy sila, unti-unti mo na silang gabayan para higit nilang maintindihan ang buhay at magsikap na abutin yung gusto nila,” pahayag ni Japoy, isa sa matagumpay na taekwondo jin sa bansa.

Kinatigan ito ni Janice, tulad ng kanyang Padre de Pamilya, isang world-class taekwondo (poomsae) at multi-medalist sa Southeast Asian Games.

“Don’t force them to do what they don’t want to do. Kasi they will not excel pag pinipilit mo sila. Whatever they like, doon sila mag-excel. Let them choose what they want and don’t choose for them,” aniya.

Kapwa, nagtagumpay ang mag-asawa, hindi dahil nagmula sila sa mga de pamilyang kampeon bagkus dahil kapwa nila minahal ang sports at parehong nagtiyaga at nagsikap para abutin ang tugatog ng tagumpay hindi lamang sa sports, bagkus sa pagbuo ng character at buhay pamilya.

Sa murang edad na 11-anyos, nagsanay si Japoy sa taekwondo at makaraan ang isang taon ay bahagi na ng Philippine Junior Team. Bago sumapit ang ika-18 kaarawan, batak na siya sa iba’t ibang torneo sa local at international at naging miyembro ng Senior squad kalaunan.

“Through the years, nagpapasalamat ako sa mga naging mentor ko. Sa MILO na naging sponsors ko at sa lahat nang mga naging bahagi sa journey ko sa taekwondo. Bilang ganti, gusto kong makatulong sa mga kabataan, sa mga nagnanais ding maging kampeon na maibahagi ang aking karanasan at kaalaman,” sambit ng 34-anyos na si Lizardo.

Hindi naman naging mailap ang pagkakataon, higit at kabilang si Lizardo sa sports ambassador sa mga programa at aktibidad ng MILO Philippines, kabilang na ang pinakabagong kampanya na ‘Mula Noon, Hanggang Ngayon, Anuman ang Panahon, Tuloy ang Pagiging Champion’.

Isang kahanga-hangang atleta, ang karanasan at pagiging idolo ng kabataan ang nagbibigay lakas kay Lizardo para ipagpatuloy ang gawain at maenganyo ang kabataan na sumali sa sports at mapalaganap ang taekwondo sa mas maraming komunidad at pamayanan sa bansa.

Bukod sa pagiging coach ng varsity team sa La Salle, bahagi si Japoy sa MILO-Philippine Taekwondo Association clinics, gayundin sa iba pang programa ng MILO na inilunsad sa panahon ng lockdown bilang bahagi sa laban sa pandemic.

“Meron naman tayong online videos na pwedeng ipakita sa kanila. Sa YouTube, meron tayong MILO Champion Habit na makikita mo ang mga exercises na ginagawa namin. Meron din mga instructional videos na masusundan ng mga bata. Yun ang mga way na pwede natin gawin active ang mga kids natin.”

Ang MILO Champion Habit, kung saan isa si Japoy sa mga pamosong atleta at coach na itinatampok, ay isang six-minute exercise video na dinisenyo para tulungan ang mga bata sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan na ehersisyo. Puwede ring mag-enrol sa MILO interactive online classes para sa patuloy na pag-aaral ng bata sa sports na nais niya.

“Maraming paraan para matuto. Maraming available na materials para maipagpatuloy ng ating mga anak ang kanilang pangarap na maging kampeon. Sa laban, katuwang natin ang MILO na tunay namang Mula Noon, Hanggang Ngayon, Anuman ang Panahon, Tuloy ang Pagiging Champion”, sambit ni Lizardo.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Lester Castillo, Asst. Vice President, Marketing ng Nestle Philippines, na patuloy ang promosyon ng MILO sa kahalagahan ng kalusugan sa buhay ng Pinoy sa ‘new normal’ sa pamamagitan ng Milo Champion Habit – PE at Home program.

At kamakailan lamang ay inilunsad ng MILO ang ‘Mula Noon, Hanggang Ngayon, Anuman ang Panahon, Tuloy Ang Pagiging Champion’ campaign.

“Sa pamamagitan ng inspirasyong hatid ng mga veteran Olympians ay patuloy naming ipakikita sa mga digital sports program ang kanilang mga determinasyon at pagsisikap. The new program, “Mula noon hanggang ngayon, anuman ang panahon, tuloy ang pagiging champion” ipinapakita namin ang mga iconic performance ng mga gymnastics, taekwondo, volleyball champion maging ang kanilang mga kuwento ng pagsisikap at determinasyon upang makamit ang inaasam na medalya, para ma-inspire ang mga bata,” ayon kay Castillo sa kanyang pagbista kamakailan sa TOPS Usapang Sports on Air via Zoom.

Bahagi ng programa, ayon kay Castillo ang pagbibigya kahalagahan ng mga sports icon para mahikayat ang mga batang atleta at home base participants na ituloy ang pagpapalakas ng katawan habang nahaharap sa pandemya.

Ipinahayag ni Castillo na may 15 milyon nang mga kabataan mula sa online digital platform ng MILO ang aktibong kabahagi ng kanilang programa mula noong 2020 hanggang ngayong 2021.

“Glad to inform you that we reached the 15 million Filipinos participated online and we’re hoping more Pinoy to join us and be inspired by iconic veterans to continue their journey in their selected sports.” “Even with the pandemic, Milo has been reaching out to Deped schools here and nationwide. Last year, a total of 390,000 physical education (PE) kits were distributed to our division offices and schools. Our deep appreciation to Milo for launching this laudable program — the Milo Champion Habit,” ayon sa datos ng MILO. Ang naturang programa ay masinsin na binuo katuwang ang University of the Philippines College of Human Kinetics. Nakapalood dito ang drills at instructional videos, kabilang ang programa ni Lizardo.

Tunay na sa pagtitiyaga at pagmamahal sa sports ang sandata ng isang tulad ni Japoy para maging karapat-dapat na ehemplo ng kabataan dahil nasasalamin sa kanyang katauhan ang pagsisikap, sakripisyo at pagmamahal sa bayan na kalugod-lugod para mapabilang sa hanay ng mga tunay na kampeon, mula noon hanggang ngayon.