ZARAGOZA, Nueva Ecija - Napatay ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. Concepcion nitong Biyernes ng gabi.

Ang suspek ay kinilala ng pulisya na siFrancis Reyes, nasa hustong gulang, at taga-Bgy. Barrera, Cabanatuan City.

Binentahan umano nito ang isang poseur-buyer, gayunman, pinaputukan umano nito ang katransakyon matapos mahalata na isa itong pulis.

Bumulagta ang suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang baril na ginamit ng suspek.

Light Nolasco