NANAWAGAN kahapon si Vice Pres. Leni Robredo sa gobyerno na pagkalooban ng sapat na ayuda ang mga manggagawa sa halip na tanggalin sa mga trabaho sa pamamagitan ng tinatawag na "endo" o pagtuldok sa labor contractualization.
Ayon kay Robredo, nagpamalas ang labor force bilang "lakas ng ekonomiya", laluna ngayong umiiral ang pandemya.
Sa kanyang Labor Day address, pinarangalan ng Bise Presidente at pinasalamatan ang mga manggagawang Pilipino sa kanilang kontribusyon sa pagbubuong-bansa (nation-building) at kasaysayan.
Bert de Guzman