Ni Edwin Rollon

ALCANTARA— Nalagpasan ng ARQ Builders Lapu Lapu City ang unang hadlang sa stepladder playoff nang maungusan ang Tubingon Bohol, 73-69, nitong Sabado sa Chooks-to-Go Pilipinas Vismin Super Cup Visayas leg sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Sa pangunguna nina Reed Juntilla at Dawn Ochea, naisalba ng Lapu-Lapu ang matikas na ratsada ng Tubigon Bohol sa krusyal na sandali para makahirit sa winner-take-all para sa semifinals match ng liga sa Linggo.

Nagawang maibaba ng Tubigon ang 17 puntos na bentahe ng ARQ sa 61-65 sa mainit na opensa, tampok ang impresibong hook shot ni Pari Llagas may 2:20 ang nalalabi sa laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, naisalpak ni Ochea ang dalawang free throws kasunod ang dalawang jumper ni Juntilla sa sumod na play para mailayo ang iskor sa 71-61 tungo sa huling 60 segundo ng laban. Nakahirit pa ang Bohol mula kay Jeery Musngi, subalit mabilis na nakahanto si Juntilla sa pahirapang undergoal shot para selyuhan ang panalo.

Umusad ang ARQ sa susunod na stage ng stepladder phase at haharapin sa knockout game ang magwawagi sa duwelo ng Dumaguete at Tabogon sa main game ng double-header. Itinakda ang winner-take-all sa Linggo kung saan nakataya ang ikalawang slots sa semifinals.

Tangan ng KCS Computer Specialist-Mandaue ang twice-to-beat advantage sa seminal duel ng kauna-unahang professional basketball league sa bansa sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games ang Amusements Board (GAB).

Naghihintay na sa best-of-three Finals ang MJAS Zenith-Talisay City na awtomatikong umusad sa championship round nang makompleto ang double-round sweep.

"All of us will stay behind to watch and scout the second game. We only have less than 24 hours to prepare for the next game," pahayag ni ARQ assistant coach Jerry Abuyabor.

Kumana si Ochea, dating miyembro ng Adamson Falcon, ng 21 puntos, 10 rebounds, tatlong assists, isang steal, at isang block para sa ARQ, habang kumana si Juntilla ng 16 markers, 10 boards, dalawang assists, at isang teal.

Nag-ambag sina Rendell Senining at Jojo Tangkay ng tig-puntos.

Nanguna si Llagas sa Mariners sa naiskor na 22 puntos, 12 rebounds, isang assist, isang steal, at tatlong blocks.

Iskor:

ARQ Lapu-Lapu (73)—Ochea 21, Juntilla 16, Senining 10, Tangkay 10, Berame 6, M. Arong 2, Abad 2, Mondragon 2, Regero 2, Galvez 0.

Bohol (69)—Llagas 22, Marquez 12, Casera 10, Leonida 9, Musngi 8, Ibarra 6, Tilos 2, Tangunan 0, Dadjilul 0.

Quarterscores: 20-10, 39-30, 57-44, 73-69.