Isinuko ng isang alkalde ang mga armadong tauhan nito na kabilang sa private armed group (PAG) sa Maguindanao nitong Sabado.

Ang grupo na tinaguriang Mamasabulod PAG na pinamumunuan ni Pagalungan Maguindanao Mayor Datu Salik Mamasabulod ay nagsuko rin ng matataas na uri ng baril kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Director Brig. Gen. Eden Ugale.

Ang dalawang PAG ay kinilalang sina Police retired Corporal Faisal Mamasabulod, alyas Fai na kapatid ng alkalde, at Norodin Sulayman, kapwa taga- Damalasak, Pagalungan, Maguindanao.

Isinagawa ang pagsuko bilang pagtalima sa National Task Force on the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) sa rehiyon.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Fer Taboy