ni MARY ANN SANTIAGO

Nagbabala kahapon si Health Secretary Francisco Duque III na posibleng maharap din ang Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) surge na nagaganap ngayon sa India, kung mabibigo ang mga Pinoy na tumalima sa ipinaiiral na health protocols ng pamahalaan.

Matatandaang nakakapagtala ang India ng mahigit sa 300,000 kaso ng COVID-19 araw-araw at libu-libo rin ang namamatay.

“Pagka hindi tayo sumunod doon sa ating minimum health standards [and] if we do not intensify our COVID pandemic response like what has happened in India and also in some other countries where the second or third waves are being experienced, that is a big possibility,” ayon kay Duque, sa panayam sa telebisyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Paalala ni Duque, dapat na matuto na ang Pilipinas mula sa karanasan ng India at iba pang bansa upang hindi na magaya pa dito.

“We cannot dig our heads into the sand and make it appear that we're doing okay all the time. There are ways to doing things better that’s why every day you have to read, every day you have to watch out for what’s happening. What are the best practices, what are the practices that are really worth avoiding…at the end of the day we just have to work together,” paliwanag pa niya.

“We are not helpless. We are not without the power to fight this. Simple interventions, face mask, face shields, physical distancing, proper ventilation, avoidance of people in superspreader events yung mga mass gathering lahat naman ito nandyan na,” aniya pa.

Sa ngayon ay nagpapairal ang Pilipinas ng 14-day temporary ban sa pagpasok ng mga biyahero mula sa India o may travel history mula sa India, kabilang na ang mga Pinoy, upang hindi makapasok sa bansa ang Indian variant, na sinasabing sanhi ng bagong surge ng sakit doon.

Nitong Huwebes ng hapon, nakapagtala na ang Pilipinas ng kabuuang 1,028,738 kumpirmadong kaso ng COVID-19, kabilang dito ang 69,354 (6.7%) active infections, 942,239 (91.6%) na gumaling na at 17,145 (1.67%) na namatay.