ni STEPHANIE BERNARDINO

For the first time, ipapamalas ni Jessica Sanchez ang kanyang galing sa pag-arte sa pagsabak niya sa pelikula na tumatalakay sa pandemic.

Kinumpirma ito ng kanyang manager sa Pilipinas, na si Carlo Orosa.

Sa isang artikulo ng ABS-CBN News, gagampanan ng recording artist ang buhay ng isang Filipina nurse na nagdurusa sa anxiety sa gitna ng pandemic. Mula ito sa panulat at direksyon ni Filipino filmmaker Chris Soriano.

Tsika at Intriga

Vlogger kinuyog dahil sa okray kay Chelsea Manalo, biglang kambyo

Ayon pa kay Orosa, target na ipalabas ngayong taon ang pelikula, kung saan executive producer din si Jessica.

“The film will surely add to the worldwide interest and concern on the Asian hate issue,” ani Orosa.

Bago ito, nakatakdang ilunsad sa Mayo 7 ang American Idol album, kabilang ang inawit ni Jessica na US, in collaboration with Shark Tank’s Mark Cuban. Layon nitong mabigay ng awareness hinggil sa anti-Asian hate crimes.