ni TARA YAP

ILOILO CITY - Labing-anim na pulis na nakatalaga sa lungsod ang nahawaan ng coronavirus disease 2019, ayon sa Western Visayas Regional Headquarters ng pulisya kahapon.

Sa ulat, ang mga ito ay nakatalaga sa Regional Operations Division ng Police Regional Office (PRO-6) sa Camp Delgado.

Nauna nang tinamaan ng virus ang dalawang pulis sa lugar at matapos magsagawa ng contact tracing at agarang pagsusuri ay natuklasan na 14 pa ang tinamaan ng sakit.

National

19 lugar sa PH, makararanas ng ‘dangerous’ heat index sa Mayo 3

Ayon kay Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng PRO-6, naka-quarantine na ang dalawang pulis na nauna nang tinamaan ng virus habang ang 14 iba pa ay naka-isolate na sa regional headquarters.

“Ang mga ito ay asymptomatic,” sabi pa ng opisyal.