ALCANTARA— Naisalpak ni Jumike Casera ang pahirapang tira may 0.3 segundo sa laro para sandigan ang Tubigon Bohol sa makapigil-hiningang 62-61 panalo laban sa Dumaguete City Miyerkoles ng gabi sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

May siyam na segundo sa kanilang panig para sa winning play, tinangap ni main man Joseph Marquez bola para sa isolation play, ngunit nabarahan siya sa depensa ni Dumaguete big man Jovannie Aguilar at naisablay ang tira.

Nagawa namang makuha ng 6-foot guard na si Casera, isa sa apat na homegrown player, ang offensive rebound at sa mabilisang kilos ay naitira ang bola para sa winning basket at ikalawang panalo sa Bohol para makuha ang inaasam na momentum tungo sa quarterfinal playoffs.

Tumipa si Casera ng pitong puntos at pitong rebounds.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I designed the play for Marquez to drive the lane and kung ano man ang result, we were going to live it,” pahayag ni Bohol head coach Gino Enriquez. “Marquez drove it and walang tawag ang mga referee. Fortunately, Casera was there. “A win is a win. We’ll take it."

Tungo sa krusyal na sandali ng double-round elimination ng kauna-unahang professional basketball league sa South, ratratan ang laban at dikit sa 55-58 may apat na minuto pa ang nalalabi sa laro. Nakaabante ang Warriors mula sa 6-0 run na sinimulan ni Manny Gabas.

Nakabawi ang Dumaguete at nakipagpalitan ng puntos ang Bohol mula sa driving layup ni Joseph Marquez tungo sa game-winning shot ni Casera.

Nanguna si Pari Llagas sa Bohol sa naiskor na 21 puntos, 14 rebounds, dalawang assists, at tatlong block, habang kumana si Marquez ng 18 puntos, 12 boards, dalawang assists at tatlong steals.

Nakamit ng Dumaguete ang ikalimang sunod na kabiguan para sa 1-7 card.

Hataw si Jaybie Mantilla sa Dumaguete sa naiskor na 17 puntos at 10 rebounds , habang tumipa si Mark Doligon ng 15 puntos at 10 rebounds.

Target ng Tubigon Bohol na tapusin ang kampanya sa elimination sa winning note laban sa ARQ Builders Lapu-Lapu sa Biyernes (Abril 30) ganap na 7:00 ng gabi. Mapapalaban naman ang Dumaguete sa Tabogon sa Sabado ganap na 7:00 ng gabi.

Iskor:

Tubigon Bohol (62)—Llagas 21, Marquez 18, Casera 7, Musngi 5, Dadjilul 5, Cabizares 4, Leonida 2, Ibarra 0, Tangunan, Tilos 0, Apolonias 0.

Dumaguete (61)—Mantilla 17, Doligon 15, Regalado 12, Gabas 8, Aguilar 5, Tomilloso 2, Roy 2, Velasquez 0, Gonzalgo 0, Porlares 0.

Quarterscores: 22-13, 34-39, 53-50, 62-61.