MULING binuksan ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ang pintuan ng oportunidad kay ARQ Builders Lapu-Lapu's Rendell Senining.
Matapos aminin ang pagkakamali at isapubliko ang pagsisisi sa kamaliang nagawa, gayundin ang pormal na pagsumite ng apela sa liga at sa Games and Amusements Board (GAB) – na kabilang sa mga kondisyon na ibinigay ng liga -- binawi ng league management ang naunang ipinataw na suspension kay Senining.
"After much thought and consultation with the coaches, the VisMin management team has decided to conditionally lift the suspension of Mr. Rendell Senining," pahayag ni league Chief Operating Officer Rocky Chan.
Kabilang si Senining na mga naparusahan bunsod ng ‘unsportsmanlike behavior’ at ‘act disrespectful to the game’ sa laro ng ARQ Lapu-Lapu at Siquijor Mystics. Nauna nang ipinataw sa kanya ang season-long suspension at multang P30,000. Ngunit, ang resulta ng isinagawang imbestigasyon at pagsisisi nito ang nagbago sa desisyon ng liga.
"Rendell Senining has been cleared of any game-fixing allegations in connection to the April 14 game,” pahayag ni Chan.
Bunsod nito, makakalaro na si Senining sa laban ng Heroes kontra sa nangungunang MJAS Zenith-Talisay Huwebes ng gabi (Abril 29).
"I would personally want to thank the Pilipinas VisMin Super Cup for giving me a platform and giving me a second chance to play the game that I love with three conditions. First, I would like to apologize to everyone -- to the league and my fellow professional players -- for my actions during the Siquijor Mystics game. I know that it was a very bad sight to see and I learned the mistake the hard way. I just want to say sorry sa mga na-affect," pahayag ng 25-anyos na si Senining sa livestreaming media conference Miyerkoles ng gabi.
"Rest assured, if that situation happens again, I know what to do and what I will do will be the right way."
Nakapaloob din sa kondisyon na awtomatikong banned sa liga si Senining sakaling muling masangkot sa kaparehong insidente, gayundin ang pagdalo nito sa community outreach activities ng liga."They offered me to lead all of the outreach programs. With that, I accept it," aniya.
Naging sentro ng usapin na humantong sa bintang na game-fixing ang ginawang kaliwa’t kanang tira ni Senining na parehong sablay sa laro ng Lapu Lapu at Siquijor.
"Allow me to reassure the general public that we are continuing to do our share in addressing the issue of game-fixing in basketball. May this serve as a gentle reminder and warning to everyone playing in the Visayas Leg to play to the best of their abilities and please do not test our resolve in putting this house in order," sambit ni Chan.