Gumaan ang pakiramdam ng mga health professional nang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig pa ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus bubble hanggang Mayo 14 upang labanan ang pinakamahirap na bahagi ng pandemya.
Sa gitna ng pagbawas ng pressure sa critical care facilities ng mga ospital, ipinunto niHealth Secretary Francisco Duque III, nakapagtala pa rin
ang NCR Plus bubble at iba pang lalawigan saCalabarzon at Central Luzon ng halos siyam na porsiyento ng mga nahahawaan.
Sa ginanap na pagpupulong sa Malacañang nitong Abril 28 kung saan inanunsyo ng pangulo ang naturang desisyon, binanggit ni Duque na ang aabot sa 87 porsiyento sa kabuuan ng nahawaan sa nasabing araw ay mula sa tatlong rehiyon.
Kung magpapatuloy ang takbo nito, dapat nang pagtuunan ng pansin ang nasa ibabaw na tatlong rehiyon na nag-aambag ng halos two-thirds sa economic output ng bansa. Nasa 36.6 porsiyento ang ambag ng NCR, habang ang Calabarzon at Central Luzon ay may ambag na 16.8 porsiyento at 9.5 porsiyento, ayon sa pagkakasunod, o kabuuang 62.9 porsiyento ng gross domestic product.
Ang nabanggit na bilang ay nagbibigay-diin sa katotohanan na paika-ika pa rin ang pagbangon ng ekonomiya dahil sa krisis pangkaluaugan, maliban lamant kung magpatupad ng mas mahuaay at epektibong halbang ang gobyerno.
Naging mas maliit na kaginhawaan lamang ang nakaraang pagtatangkang “muling pagbubukas ng ekonomiya.”
Binawasan din angpublic transport capacity nahindi sapat na pagsisikap para sa mga
daily wage earners na nagbigay ng alternatibong paggalaw sa mga commuters.
Sa gitna ng malawakang tanggalan sa trabaho, kaakibat naman nito ang laganap na kagutuman, hindi pa rin nagpapairal ang pamahalaan ng sapat na social safety nets.
Nagpapakita naman ang mga Pinoy ng maagap na solusyon sa nararanasang probllema nang magsulputan ang mga community pantry.
Ang ikatlobay na learning crisis ay ang pinahabang pagsasara ng mga paaralan.
Kailangan nang kumilos ng pamahalaan upang mapawi ang pangamba ng mamamayan sa bakuna. Ngayon na ang huling araw ng World Immunization Week. Iniulat ngUNICEF Philippines na noong 2019, kabilang ang Pilipinas sa top nine na bansa na may mga sanggol na hindi nababakunahan laban sa naiiwasang sakit kung kaya nanganganib ang mga batang Pinoy na maimpeksyon at maaari silang mamatuy, o
magkaroon ng polio at tigdas.
Nakikitang apektado ng sakit ang mga matandang Pinoy kaya iminungkahi niPresidential Adviser Joey Concepcion ang pagkakaroon ng mandatory vaccination para sa mga manggagawa.
Inihayag naman ni Secretary Carlito Galvez na target nila na maabot ang peak efficiency ng 500,000 vaccine jabs kada araw pagsapit ng Agosto. Hangad din ng pamahalaan na pagdeliber ng121 milyon doses mula Hulyo hanggang Disyembre.Patuloy pa rin ang isinasagawang simulations, sa tulong ng mga pribadong sektor sa pag-asang bumilis ang pagbabakuna.