SINIMULAN na ni PH chess prodigy Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes ang masinsin na pagsasanay sa kanyang hometown Dila-Dila, Santa Rita, Pampanga.
Humigit-kumulang 50 hanggang 100 puzzles kada araw ang ginagawa ni OJ bukod sa 2 hanggang 4 hours chess lesson at paglalaro ng online chess games gaya ng match up series na inaasahang dodoble pa sa susunod na mga araw.
Masisilayan si OJ sa semifinals ng National Age Group Chess Championships maging sa National Youth & School Championships ngayon buwan ng Mayo ayon kay Jubail, Kingdom of Saudia Arabia based Jimmy Reyes, ama at coach ni OJ.
KASAMA ni OJ ang ama na si Jimmy Reyes at in ana si Jasmine Constantino Reyes,
Ang 9-anyos Grade 4 student ng EZEE, Guagua, Pampanga ay may tangang winning streak sa online chess tournament.
Kilala sa tawag na OJ sa chess world, kabilang sa kanyang latest achievements ang pagkampeon sa 2021 National Youth & School Championship, Visayas leg Qualifying Under 15, ang 2021 National Youth & School Championship, North Luzon leg qualifying Under 13 at maging ang 2021 GM Eugene Torre Search for Kiddies Grand Master.Nagwagi rin siya sa 2nd leg Worldwide under 12 East Division , Front Wheel Singapore under 12 Chess Arena, 19th Rising Phoenix 14 under, ESMI Online blitz age group chess Qualifying at 6-times champion ng BCA online kiddies tournament.