NAG-POSITIBO rin sa coronavirus COVID-19 si Navotas Lone District Rep. John Rey Tiangco.
Ito ang inanunsiyo ng mambabatas sa pamamagitan ng kanyang Facebook account. makaraang lumabas ang resulta ng RT-PCR swab test nito.
Nakaramdam aniya siya ng ilang sintomas ng nasabing sakit, katulad ng lagnat, sakit ng ulo kaya naman minabuti na nitong magpa-swab test kung saan natuklasang nahawaan ito ng virus.
Orly Barcala