HINIMOK ni Senator Imee Marcos ang pamahalaan na gawing direktang ayuda ang bulto ng hindi nagagamit na stimulus funds sa mga state financial institution upang masuportahan  ang mga negosyong matinding tinamaan ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Nakaaalarma aniya ang prediksyon ng mga international financial institution na tulad ng World Trade Organization, World Bank, International Monetary Fund, at Asian Development Bank na posibleng ang Pilipinas ang maging pinaka-makupad na makarekober ang ekonomiya sa Asya dahil sa kulang na pag-ayuda sa mga negosyo.

Sinabi pa nito na masosolusyunan ang matamlay na pag-ayuda kung ang bahagi ng naturang badyet para sa mga programang pautang ng gobyerno ay gawing mas direktang tulong tulad ng subsidiya sa suweldo at programang pantrabaho.

"Halimbawa, kahit 65% ng mga karinderya at maliit na mga tindahan ng mga kapitbahay ay pansamantala o permanenteng nakasara, hindi sila kwalipikadong makautang dahil barangay permit lang ang meron sila, base na rin sa patakaran ng Small Business Corporation at ng DTI (Department of Trade and Industry)," paliwanag ng senador.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Binanggit din nito na nasa P3.3 bilyon lang ang nagamit mula sa P10 bilyong pondong inilaan ng Department of Trade and Industry sa programa nitong CARES (COVID-19 Assistance to Restart Enterprises) para sa MSMEs sa ilalim ng Bayanihan 2.

Leonel Abasola