PANGASINAN - Sugatan ang isang ginang at ang isang nurse na pinaghihinalaang kalaguyo nito nang sagasaan ng isang sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng asawa ng una nitong Miyerkoles sa Bgy. Ninoy, Aguilar ng naturang lalawigan.
Ang dalawa ay kinilal ni S/SgtReynante Abril, may hawak ng kaso, na sinaDennis Jamm Dantay, 28, at taga-Brgy. Sto. Domingo, Capas Tarlac at Daisy Abad, 27, finance admin, at taga-Bgy. Ninoy, Aguilar, kapwa isinugod sa ospital dahil sa mga sugat sa katawan.
Nakilala naman ang driver ng sumagasangMitsubishi Adventure na si Justine Bryan Abad, inhinyero, at asawa ni Daisy.
Sa police report, namataan ni Abad na magkaangkas sina Dantay at Daisy sa motorsiklo at huminto sa madilim na bahagi ng kalsada.
Dahil sa labis na selos umano, pinaharurot ni Abad ang minamanehong SUV at sinagasaan ang dalawa.
Inihahanda na anq kaso laban sa suspect..
Liezle Basa Iñigo