MAGSISIMULA nang mag-ensayo ang Gilas Pilipinas 3x3 team sa susunod na linggo upang paghandaan ang gagawin nilang pagsabak sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament (OQT).

Ayon sa statement na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), pinayagan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang kahilingan na magsanay sina CJ Perez at Mo Tautuaa ng San Miguel at sina Joshua Munzon ng Terrafirma at Alvin Pasaol ng Meralco sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kung saan kasalukuyan ding nagsasanay ang Gilas Pilipinas 5x5 pool.

Bukod sa nabanggit na apat na mga manlalaro, kasama din nilang magti-training bilang mga reserves sina Leonard Santillan ng Rain or Shine at dating Phoenix guard Karl Dehesa.

Naniniwala ang SBP sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Al Panlilio na magiging competitive ang team na ipapadala ng bansa sa qualifiers sa Graz, Austria.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Pilipinas ay kabilang sa Group C ng torneo na may nakatayang tatlong Olympic slots kasama ng France, Qatar, Slovenia at Dominican Republic. Marivic Awitan

Nilinaw naman ng Games and Amusements Board (GAB) na wala silang natatanggap na kahilingan mula sa SBP hingil sa naturang bubble training.

Marivic Awitan