ILIGAN CITY ‒ Isinailalim na sa hospital arrest ang isang dating alkalde ng Lanao del Norte matapos damputin ng mga awtoridad kaugnay ng pamamaslang sa kalaban sa politika ng pamilya nito noong 2016.
Si dating Salvador, Lanao del Norte Mayor Johnny Tawan-tawan ay inahinan ng ‘warrant of arrest’ habang naka-confined sa St. Luke’s Medical Center sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Abril 1.
Isinasangkot si Tawan-tawan sa pagpaslang kay Salam Umpa Bangcola, 73, noong Abril 22, 2016.
Sa rekord ng pulisya, sinalakay ng mga atmadong supporter ni Tawan-tawan ang kanilang compound na ikinasawi ni Salam matapos matamaan ng bala sa ulo.
Ayon sa anak ng biktima — si Abdul Nasser “Bebot” Umpa Bangcola, nag-ugat ang lahat nang kumandidato ito bilang alkalde, kalaban ang anak na lalaki ni Tawan-tawan, sa nasabing taon.
Nilinaw ng mga awtoridad, bukod sa sakit sa puso, nakaratay sa ospital si Tawan-tawan nang mahawaan ng coronavirus disease 2019.
Bonita Ermac