HINDI muna uuwi sa Pilipinas si Hidilyn Diaz para ipagpatuloy ang pagsasanay para sa paghahanda sa Tokyo Olympics sa Hulyo.
Sinabi ni Monico Puentebella, pangulo ng Samahang Weightlifter ng Pilipinas,na diretrso pabalik sa Malaysia ang 2016 Rio Games silver medalist para ipagpatuloy ang pagsasanay para sakanyang ika-apat na sabak sa quadrennial Games.
Bago ang Asian Weightlifting Championships sa Taskhent, Uzbekistan na nagtapos siyang pang-apat, ginugol ni Diaz ang 14 buwan sa Malaysia dahil nasabay sa pagsulpot ng Covid-19 pandemic na kung saan ipinairal ang mahigpit na lockdown kung kaya nauntol ang pagsasanay.
Ayon kay Puentebella, si Diaz ay babalik sa Malaysia at hindi muna uuwi sa Pilipinas sapagkat kapag siya ay nanatili sa Maynila o Zamboanga, baka mawala ang kanyang pokus sa pagsasanay.
"Everything is there in Zamboanga. She could be tapped as a ribbon cutter in some fiestas," ani Puentebella. Sinabihan daw niya si Diaz na tatlong buwan na lang ang Olympics. "She's been working for this for five years and now she's just three months away to finish it."
Ayon kay Puentebella, aalis si Diaz sa Malaysia isang buwan bago ganapin ang Ollympics upang masanay ang katawan o ma-acclimatize sa klima sa Japan.
Bert de Guzman