USAPIN sa mas umiinit at maaksiyong labanan sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ang sentro ng talakayan sa ‘Usapang Sports on Air’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon (Huwebes) via Zoom.

Apat sa anim na team owner ng kauna-unahang professional basketball league sa South ang magbibigay ng kanilang saloobin hingil sa kani-kanilang kampanya at sagutin ang iba pang isyu sa mainit na talakayan ganap na 10:00 ng umaga at mapapanod via livestreaming sa Facebook at YouTube.

Kasama ni VisMin Cup Chief Executive Officer Rocky Chan sina Dumaguete City Warriors team owner Ken Ancis, Tubigon Bohol boss Gail Jao, Ricky Verdida ng KCS Mandaue City at Dandy Ferenal ng Tabongon Voyagers, sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB).

Panauhin din sa forum si Ada Milby ng Philippine Rugby Federation para maibigay ang mga bagong kaganapan sa sports sa gitna ng pandemic.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa kasalukuyan, ang KCS Mandaue City (6-2) ang sigurado na sa semifinals matapos masungkit ang ikalawang panalo sa second round ng double-round elimination, habang ang Tubigon Bohol, Tabongon Voyagers at Dumaguete City ay nangangailangan nang higit pang sigla at determinasyon upang makasiguro sa susunod na round.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang iba pang sportswriters mula sa print at online media na makilahok sa talakayan.