ni NEIL RAMOS

Tuloy-tuloy ang paglipad ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, na tumatanggap ng malakas na suporta mula sa mga Pinoy.

Base ito sa isang online poll na isinasagawa ng shopping app na Lazada, ang napili ng Miss Universe Organization bilang official e-commerce at voting platform ng pageant sa bansa.

Ayon sa Lazada representative, si Rabiya Mateo ang nakakuha ng highest number of votes sa app, as of Tuesday, Abril 27.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinusundan siya ni Miss Vietnam Nguyên Trân Khánh Vân, Miss Indonesia Ayu Maulida Putri, Miss Thailand Amanda Obdam, at Miss Malaysia Francisca Luhong James.

Hindi naman kasama sa tally ang mga bumoto gamit ang Miss Universe app.

Nagsimula ang botohan nitong Abril 8 at matatapos sa Mayo 15.

Ang kandidata na may pinakamataas na bilang ng online fan votes ay awtomatikong mapapabilang sa Top 21 semi-finalists.

Upang matulungan si Rabiya na makapasok a listhan, maaaring i-download ng pageant fans ang app at bumoto via Miss Universe tab.

Isang beses lamang maaaring bumoto ang user para sa buong voting period.

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2020 pageant sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida sa Mayi 16 (May 17, sa Maynila).