Ni Edwin Rollon

ALCANTARA – Isang koponan na lamang ang hadlang para makumpleto ng MJAS Zenith-Talisay City ang pakikipagtagpo sa kasaysayan.

Tulad ng inaasahan, magaan na idinispatya ng Talisay City ang naghahabol na Dumaguete, 77-66, para manatiling walang talo sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Martes ng gabi sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Nakopo ng MJAS Zenith ang ika-apat na sunod na panalo sa second round at ika-siyam sa kabuuan upang makalapit sa makasaysayang double-round robin sweep sa kauna-unahang professional basketball league sa South sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tanging ang ARQ Builders Lapu-Lapu City ang nalalabing balakid para sa pakikipagtagpo sa kasaysayan ng MJAS Zenith-Talisay City. Magkakaharap ang dalawa Huwebes (April 29) ganap na 3:00 ng hapon.

"Hindi namin iniisip yung sweep. One game at a time pa rin yung approach namin," pahayag ni Aquastars head coach Aldrin Morante.

Sigurado na rin sa semifinals ang KCS Computer Specialist-Mandaue City matapos gapiin ang Tubigon Bohol, 80-50.

Galing sa mapait nakabiguan nitong Sabado laban sa nangungunang MJAS Zenith-Talisay City, 73-81, ibinaleng ng Mandaue City ang ngitngit sa Bohol para sa ika-anim na panalo sa walong laro at makasiguro ng puwesto sa semifinals.

Nanguna si datingCESAFI MVP Shaq Imperial sa KCS sa naiskor na 15 puntos, pitong rebounds, isang assist, at dalawang steals, habang kumana si Gileant Delator ng 13 puntos at limang assists.

Nag-ambag si centerMichole Solera ng 10 puntos, pitong rebounds, dalawang assists, isang steal, at isang block.

Umarya ang Aquastars sa kaagahan ng laro at tuluyang nahila ang bentahe sa 29 puntos, bago nakabawi ang Dumaguete sa final period, ngunit huli na ang lahat para masilat ang Talisay.

"I'd like to commend everyone for this win as we again no one played more than twenty minutes," sambit ni Morante. “Malaking bagay yung fresh legs para sa amin since ang next namin is KCS na kumpleto na on Thursday."

Hataw si forward Jaymar Gimpayan sa Talisay na may iskor na 14 puntos, 14 rebounds, tatlong assists, at isang block.

Iskor:

(Unang Laro)

KCS-Mandaue (80)—Imperial 15, Delator 13, Solera 10, Octobre 9, Castro 8, Roncal 8, Bongaciso 7, Mendoza 5, Mercader 3, Cachuela 2, Soliva 0.

Tubigon Bohol (50)—Llagas 18, Marquez 12, Ibarra 7, Cabizares 5, Dadjilul 3, Tangunan 2, Musngi 2, Casera 1, Tilos 0, Leonida 0.

Quarterscores: 22-15, 39-24, 56-32, 80-50.

(Ikalawang Laro)

MJAS-Talisay (77)—Gimpayan 14, Eguilos 11, Cabahug 9, dela Cerna 8, Jamon 7, Santos 6, Villafranca 6, Mojica 5, Mabigat 3, Acuña 3, Casajeros 2, Menina 2, Hubalde 1, Ugsang 0, Cuyos 0.

Dumaguete (66)—Roy 17, Regalado 9, Doligon 9, Mantilla 8, Tomilloso 8, Velasquez 7, Ramirez 3, Aguilar 3, Gabas 2, Gonzalgo 0, Porlares 0.

Quarterscores: 16-13, 36-23, 64-38, 77-66.