ni ADOR V. SALUTA

Wagi bilang best actor sa 54th WorldFest Houston International Film Festival nitong Linggo, April 25, si Kit Thompson, para sa pelikulang Belle Douleur.

Si Kit ay nag-iisang nominado para sa kategorya mula sa bansa habang ang co-star niyang si Mylene Dizon ay kumatawan din sa Pilipinas sa prestihiyosong International filmfest.

Tinalo ni Kit ang dalawang best actors nominees ng Japan na sina Hideyuki Kawahara at Yuh Kamiya na kapwa napansin ang pagganap sa pelikulang Sin-Gone Irony.

Samantala bigong maiuwi ni Mylene ang best actress trophy, na nakamit ni Nao Hasegawa para sa pelikulang Beautiful Lure, mula sa Japan.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Ang BelleDouleur ay directorial debut ng film producer na si Joji Alonso. Una itong ipinalabas sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, kung saan nito nakuha ang audience choice award para sa full-length entries.

Mula sa Balita, Congrats Kit!