ni LIGHT A. NOLASCO           

  

Pitong drug personalities ang arestado matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa lalawigan ng Nueva Ecija, kamakailan.

Ayon kay PDEA Regional Director, Christian Frivaldo, nasakote ang pitong suspek na sina Robert Guy, alyas "Bobby", 52, ng Bgy. Aduas Centro; Ticardo Sumayao Jr., 38, ng Brgy. Kalikid Sur; Michael Castillo, 50, ng Brgy. Aduas Centro; Rodel Mateo, alyas " Ambal", 55; Jeff Guy Mateo, 47; Jerwin Allarces, 30; at Jayson Mateo, 50, pawang mga taga-Cabanatuan City.

Probinsya

Matapos umanong mabaril sarili: Dueñas Vice Mayor, pumanaw na

Nasamsam sa pito ang 10-plastic sachet ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P136,000, drug paraphernalia at marked-money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang nakakulong na sa male custodial facility ng CCPS.