ni MARY ANN SANTIAGO

Posible umanong magkaroon din ng pagkaantala ang delivery ng mga COVID-19 vaccines mula sa India dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa nabanggit na lugar,

Ipinaliwanag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahil sa nangyayari sa India ay itinigil muna nito ang kanilang commitment na maghatid ng bakuna sa ibang bansa.

Aniya, hindi lamang naman ang Pilipinas ang nagkakaroon ng ganitong isyu.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, tiniyak ni Vergeire na flexible naman ang mga plano ng pamahalaan upang makapag-adapt at makapag-adjust sakaling magkaroon ng mga ganitong kaganapan.

Matatandaang una nang sinabi ng Philippine Envoy to India na maidedeliber sa bansa ang walong milyong doses ng Covaxin ng Bharat Biotech bago matapos ang buwan ng Mayo.

Because of what’s happening in India they have stopped muna ‘yung kanilang commitments to other countries. Hindi lang naman tayo ang medyo nagkaroon ng ganyang issue,” ani Vergeire sa isang online briefing. “Flexible po ang mga plano natin so that we can be able to adapt and to adjust if ever there will be these kinds of things that will happen.”

Nauna nang nagpatupad ang Pilipinas ng temporary ban sa mga biyahero mula sa India, kabilang na ang mga Pinoy, bilang bahagi ng pag-iingat na makapasok sa bansa ang Indian variant ng COVID-19.