Pinangunahan ni US President Joe Biden ang pagbabalik ng Amerika sa sentro ng entablado ng pandaigdigang diplomasya sa pumumuno nito sa 40 lider sa isang summit sa climate change bilang bahagi ng pagdiriwang ngayong taon ng Earth Day. Idineklara niya ang hangarin ng US na maibaba ang greenhouse gas (GHG) emissions ng 50 hanggang 52 porsiyento pagsapit ng 2030 base sa 2005 levels, isang target na inilarawan ng World Resources Institute (WRI) bilang “ambitious, achievable, affordable, necessary, foundational, and inspirational.” Ang climate resilient infrastructure at pangunguna sa pagbubukas ng merkado ng electric vehicle sa mundo ang dalawang inisyatino na tampok sa kanyang $2 trillion America Jobs Plan.

Kabilang sa International Energy Agency (IEA) agenda ang: “Increasing electric cars' share of annual sales to more than 50 percent from three percent currently, raising low-carbon hydrogen production to 40 million metric tons from just 450,000, and increasing investment in clean electricity to $1.6 trillion from $380 billion.”

Isang mungkahi mula sa International Monetary Fund (IMF) na pagpapataw na carbon tax sa mga aktibidad na nagdadala ng mataas na lebel ng GHG emission ay layong hubugin ang pagnanaw ng mga konsumer tungo sa paggamit ng electric vehicles at ng mas energy-efficient na gmga produkto. Sa palagay ng IMF, “a carbon tax of at least $50 a ton in 2030 for G20 countries, and $25 a ton for emerging economies, would double emissions reductions compared to current commitments.” Tinataya rin nito ang isang minimum carbon price para sa mga pinaka malalaking emitters na sasakop sa 80 porsiyento ng global emissions; gayunman, “differentiated pricing for countries at different levels of economic development.”

Isa sa prayoridad sa agenda ng Conference of Parties (COP) 26 climate summit sa Glasgow na idaraos ngayong taon ang isang mungkahi na bawasan ang utang ng mahihirap na bansa kapalit ng green investments. Intensiyon ng UN GreenClimateFund na maisalin ang yaman mula sa mga mayayamang bansa patungo sa mahihirap na bansa na mas matinding apektado ng global warming na nagdudulot ng mapaminsalang mga kalamidad. Nahaharap ang

carbon tax at carbon pricing proposals sa oposisyon mula sa akdemya na nagsusulong ng isang “sustainability transition policy.” Sa kanilang artikulo sa PNAS Journal of the National Academy of Sciences, ikinadismaya nila ang myopic limitations ng carbon pricing na kanilang binatikos “[for framing] climate change as a market failure rather than a fundamental system problem.” Binigyang-diin nila ang pangangailangan para sa isang context-sensitive policy approach na naglalarawan sa politikal na reyalidad.

Kinatawan ng Singapore at Indonesia ang mga bansa sa ASEAN sa US climate summit. Sa pahayag na nagsusulong ng sustainability, binanggit ni Prime Minister Lee Hsien Loong na sa usapin ng sukat at limitadong resources ng bansa, pinili ng Singapore ang innovative at technology-driven na estratehiya. Isiniwalat niya ang plano ng bansa na palakihin ng apat na beses ang solar energy production at buksan ang pinakamalaking solar energy system sa buong mundo. Binigyang-diin naman ni Indonesian President Joko Widjojo ang pag-develop ng biofuels, ang lithium battery industry at electric vehicles. Nangako itong ang pamumuno sa G20 ng Indonesia sa 2022 ay tutuon upang “strengthened global cooperation on climate change and sustainable development.”

Nagkaroon ng mahalagang bagong takbo ang pandaigdigang kooperasyon sa pagtugon ng climate change.