ni BETH CAMIA

Bilang pagsuporta, naglunsad na rin ng “floating community pantry” ang Philippoine Coast Guard (PCG) para sa mga mangingisda.

Sa ulat ng PCG, nasa 75 mangingisda na ang kanilang naabutan ng ayuda saan partikular na inilunsad ang “floating community pantry” ng PCG Station Camarines Sur, PCG Sub Station Balatan , 907th PCGA Squadron sa Barangay Balatan kahapon.

Tinukoy ang mga ipinamahaging tulong ng PCG ang bigas, sariwang gulay, at itlog para sa mga mangingisda sa katubigan ng Balatan,Camarines Sur.

National

'Di kita pinahihinto sa trabaho mo, ikaw humihinto sa trabaho namin!'—Sen. Imee kay DPWH Sec. Dizon

Ang pagtulong ng PCG ay lubos na ikinatuwa ng mga mangingisda dahil malaking tulong ito para maibsan ang kanilang pagkagutom.