ni BETH CAMIA

Bumulusok mula sa ulap ang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) at lumagapak sa pampang ng dagat ng bayan ng Getafe sa Bohol.

AngMD-520MG ay nagsisilbing maintenance mula sa Mactan Island nang maganap ang pagbagsak bandang 9:40 ng umaga nitong Martes, Abril 27, base sa pahayag ni PAF spokesman Lt. Col. Maynard Mariano.

"We can confirm that we have a downed aircraft in the vicinity of Bohol," pahayag ni Mariano.

National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Air Force kaugnay sa kondisyon ng mga sakay.

"Right now, it's still under investigation," ani Mariano nang tanungin ukol sa aksidente.

Noong Enero, isang PAF chopper na pabalik na sa resupply mission ang bumulusok sa Bukidnon na ikinamatay ng pitong katao.