ni ORLY L. BARCALA

Nagwakas na ang pitong buwan pagtatago sa batas ng isang lalaki na itinuturing na most wanted sa lungsod Quezon, matapos itong maaresto sa Caloocan City, nitong Lunes ng hapon.

Si Regel Saga, 38, ay may pending warrant of arrestsa Quezon City Police District (QCPD) sa kasong roberry with homicide noong Setyembre 2020, at walang piyansang inirekomenda ang husgado.

Batay sa report, natunugan ng mga pulis sa pamamagitan ng kanilang informat na sa Maria Luisa, Subdivison, Caloocan City nagtatago ang akusado.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bandang 2:00 ng hapon, pinuntahan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng QCPD ang lugar na pinagtataguan ni Saga at kaagad na nakipag-coordinate ang mga ito sa Caloocan Police, na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nasa kustodiya ng QCPD si Saga habang inaayos ang documentation, return of warrant of arrest, at issuance of commitment order ng suspek.