ni MARY ANN SANTIAGO 

Limang pagamutan na sa bansa ang nabigyan ng permit ng Food and Drug Administration (FDA) para sa compassionate use ng anti-parasitic drug na Ivermectin.

Ito’y matapos na dalawa pang ospita ang pagkalooban ng ahensiya ng compassionate special permit (CSP) para magamit ang Ivermectin sa kanilang COVID-19 patients.

Hindi ibinunyag ang mga pangalan ng mga pagamutan na nabigyan ng CSP dahil na rin sa isyu ng privacy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una nang nilinaw ni FDA Director General Eric Domingo na ang CSP ay hindi isangmarketing authorization kaya’t hindi pa rin maipagbibili commercially ang Ivermectin.

Hindi rin umano ito isang endorsement mula sa FDA para sa kalidad at bisa ng gamot.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng clinical trial sa Ivermectin sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), ang pag-aaral ay sisimulan nila sa katapusan ng Mayo at maaaring matapos sa loob ng anim na buwan.