ni JONATHAN HICAP

Wagi bilang best supporting actress ang beteranong Korean star nasi Youn Yuh-jung sa 93rd Academy Awards na idinaos nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas) sa Los Angeles.

Nakuha ng 73-anyos na aktres ang parangal para sa kanyang ginampanang karakter sa pelikulang Minari, na nagluklok sa kanya bilang unang South Korean na naging nominado at nagwagi ng acting award sa Oscars. Siya rin ang ikalang Asyano na nagwaging best supporting actress na unang napagwagian ni Miyoshi Umeki ng Japan noong 1957 para sa Sayonara.

Sa kanyang panalo, binago ni Youn Yuh-jung ang 102 kasaysayan ng Korean film.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Youn Yuh-jung

Para sa Oscar best supporting actress, tinalo ni Youn Yuh-jung sina Maria Bakalova ng Borat Subsequent Moviefilm, Glenn Close ng Hillbilly Elegy, Olivia Colman ng The Father at Amanda Seyfried ng Mank.

Nakuha ni Yuh-jung ang Oscar win matapos magwagi ring best supporting actress sa 74th British Academy Film Awards (BAFTAs) na idinaos nitong Abril 11 at sa 27th Annual Screen Actors Guild (SAG) Awards, na idinaos nitong Abril 4 sa Los Angeles.

Bago pa ang Oscars, si Youn Yuh-jung ang napili na magwagi ng awards ng New York Times at ng awards prediction website na Gold Derby.

Anim na Oscar nominations din ang nakuha ng Minari, kabilang ang: best picture, best director, at best original screenplay para kay Lee Isaac Chung, best actor para kay Steven Yeun, best supporting actress at best original score.