ni BETH CAMIA
Hindi minamasama ng Malacañang ang babala ng Amerika para sa kanilang mamamayan na bumibiyahe sa Pilipinas.
Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala namang ibig ipakahulugan ang gayung pahayag lalo’t wala namang nakakapasok na dayuhan sa bansa.
Nauunawaan, aniya, nila na habang may pandemya ay may karapatan namang magbigay ng babala ang alinmang bansa para sa kanilang mga kababayan.
Kaugnay nito’y inihayag ni Roque na hanggang katapusan pa ng Abril ang pagpapatupad ng bansa ng hindi pagtanggap ng mga dayuhan sa
Pilipinas.
Sa babala ng United States, kahit ang mga bakunado na nilang biyahero ay maaari pa ring mahawa at makahawa ng kalat ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).