HOLLYWOOD (AFP) – Makasaysayan ang pagwawagi ni Chloe Zhao, ang Beijing-born filmmaker na ang mga pelikula ay kalimitang tumatalakay sa buhay sa Amerika, bilang ikalawang babae na nakasungkit ng best director sa 93 taong kasaysayan ng Oscars.
Pinahanga ng 39-anyos na direktor ang Academy voters sa kanyang ikatlong pelikula, ang Nomadland, isang semi-fictional drama patungkol sa isang hidden community ng mga matatanda, at van-dwellers na itinuring ang daan bilang kanilang tahanan.

Sinundan ni Zhao ang yapak ni Kathryn Bigelow, na siyang bumasag sa kasaysayan para sa mga babaeng director noong 2010 nang makuha nito ang award para sa pelikula na The Hurt Locker.
“I have always found goodness in the people I met, everywhere I went in the world,” pahayag ni Zhao sa limitadong audience ng gala sa Los Angeles.
“So this is for anyone who has the faith and the courage to hold on to the goodness in themselves, and to hold on to the goodness in each other — no matter how difficult it is to do that.”
Mula sa mayamang pamilya ng Chinese steel company executive, teenager pa lamang nang lisanin ng direktor ang China upang mag-aral sa isang British boarding school na tinapos ang kanyang pag-aaral sa Los Angeles at New York.
Unang pelikula ni Zhao ang Songs My Brothers Taught Me, patungkol sa isang kabataan na nangangarap ng buhay malayo sa Pine Ridge Indian Reservation, kung saan naglaan ang direktor ng ilang buwan upang makipamuhay sa remote indigenous Midwestern region.
Nagkamit ang pelikula ng mga parangal sa ilang festival, ngunit nakilala si Zhao makalipas ang dalawang taon sa kanyang pelikula na The Rider, isa ring quasi-Western na pelikula na kinunan sa Pine Ridge at sa kalapit nitong Badlands National Park.