Team Standings W L
MJAS-Talisay* 8 0
KCS-Mandaue 5 2
ARQ Lapu-Lapu 4 4
Tabogon 3 5
Dumaguete 1 5
Tubigon Bohol 1 6
*Clinched semis berth
Mga Laro Ngayon
(Alcantara Civic Center, Cebu)
3:00 n.h. -- Tubigon Bohol vs KCS-Mandaue
7:00 n.g. -- Dumaguete vs MJAS-Talisay
ALCANTARA— Target ng KCS Computer Specialist-Mandaue City na makabawi para patibayin ang kapit sa solong ikalawang puwesto sa pakikipagtuos ngayon sa naghahabol na Tubigon Bohol sa pagpapatuloy ng second round ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg sa Alcantara Civic Center sa Cebu.
Kailangan ng KCS na makabangon mula sa 73-81 kabiguan sa nangungunang MJAS Zenith-Talisay City nitong Sabado at Malaki ang tsansa nila laban sa kulelat na Bohol side. Ang naturang kabiguan ang tumuldok sa five-game winning streak ng Mandaue City para sa 5-2 karta sa double-round elimination ng pinakaunang pro basketball league sa South sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).
Nakatakda ang duwelo ganap sa 3:00 ng hapon.
“We just want to keep on playing our game. Yan ang ginagawa namin. Before we focus on our opponents’ mistakes, we want to make sure na tama ginagawa namin as a team and the rest will follow na lang,” pahayag ni KCS assistant coach Jappy Bautista.
“Kasi once tama ang defense naming, susunod na lang ang offense and hopefully this will be our springboard coming off a tough loss,” aniya.
Sa main game ng nakatakdang double-header, puntirya ng MJAS Zenith Talisay na mapanatili ang mainit na ratsada laban sa naghahabol ding Dumaguete Warriors ganap na 7:00 ng gabi.
Puntirya ng Talisay City ang ika-siyam na sunod na panalo at magpapatibay sa kanilang paghahangad na maitala ang ikalawang sunod na ‘sweep’. Ngunit, anuman ang maging kaganapan, sigurado na ang Talisay City sa semifinals berth.