GAMIT ang malawak na karanasan, muling magkampeon si PH chess genius Michael Jan Stephen R. Inigo ng Bayawan City,Negros Oriental sa katatapos na 4th United Queens Chess Club - UQCC Kiddies Cup 2021 Linggo sa Lichess.org.

Ang 13-anyos na si Inigo na Grade 7 ng Science and Technology Education Center sa Bayawan City, Negros Oriental ay nakakuha ng anim na puntos sa walaong panalo at isang kabiguan na marka sa seven-round tournament.

Kabilang sa mga dinaig ni Inigo ay sina Franiel Angela Magpily sa first round, Wrizzia sa second round, Francheska Patricio sa third round, Jian Carlo Rivera sa fifth round, Yaneah Sofia T. Morada sa sixth round at Tyrhone James Tabernilla sa seventh at final round.

Natamo niya ang bukod tanging pagkatalo kay Sahib Knight sa fourth round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa katunayan sina Inigo at Knight na kapwa naka ipon ng tig 6 points, subalit ang una (Inigo) ay nakamit ang titulo dahil sa superior 26 tie break points kontra sa huli (Knight) ng 25 tie break points.

Nasa solo third place ay si Franiel Angela Magpily na may 5.5 points.

Nakilala sa chess world si Inigo matapos makopo ang gold sa 2019 Davao City Palarong Pambansa Elementary Boys Team Blitz event na katambal si Jerish John Velarde sa pagkatawan sa Region VII (CVIRAA).

Sina Inigo at Velarde din ang naghablot ng Bronze Medal sa Elementary Boys Team Standard. Nakamit din niya ang Bronze Medal sa Elementary Boys Individual Blitz category.

Tumapos din si Inigo ng runner-up place sa National Age Group Under 16 Boys division Northern Luzon Leg at overall 7th place sa National Age Group Southern Luzon Leg Under 15 Boys division kamakailan sa Tornelo Online Chess Platform.