ni ROBERT REQUINTINA

Nagpahayag ng suporta ang ABS-CBN kay Angel Locsin na marami nang natulungang Pilipino sa panahon ng krisis.

Sa isang opisyal na pahayag nitong Abril 25, sinabi ng ABS-CBN na:

“ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin, who in her personal capacity has tirelessly helped our countrymen in times of crisis.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

“We admire her commitment to continue serving the Filipino people with selfless dedication and love.

“We stand by her and thank her for being a shining example of generosity, accountability, and compassion.”

Inilabas ang pahayag matapos mamatay ang isang senior citizen habang nakapila sa isang community pantry na inorganisa ni Angel bilang bahagi ng kanyang kaarawan nitong Abril 23.

Maraming celebrities din ang sumuporta sa aktres, na nagsabing kahanga-hanga pa rin ang kanyang naging hakbang sa pagtatayo ng community pantry para sa mahihirap.

Maging si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ay dinepensahan din si Angel kasunod ng trahedya, na pinuri ito pagbibigay nito ng pagkain sa mga nagugutom “and not her own ego.”