ni Ariel Avendaño
GEN. TINIO, Nueva Ecija - Nahuli na rin ng pulisya ang isang lalaking inakusahang gumahasa at pumatay sa isang guro sa Bicol pitong taon na ang nakararaan nang matiktikan ang pinagtataguan nito sa Bgy.. Las Piñas, Peñaranda, nitong Biyernes ng hapon.
Ayon kay nvestigator-on-case Senior Master Sgt. Julius Almera, nasa kustodiya na nila si Benie Samaupan, 38, poultry helper at tubong Bgy. Capriricuhan, Bulusan, Sorsogon
Inaresto si Samaupan sa bisa ngarrest warrant na inilabas ni Judge Bernardo Jimenez ng Sorsogon Regional Trial Court, ayon kay Almera.
Sa panayam, sinabi niMaj. Arnel Jose Gueronga, hepe ng Gubat, Sorsogon Police Station, itinuro ng mga testigo ang suspek na responsable sa panggagahasa at pagpaslang kayRoda Fortes, 23, noong 2014.
"Brutal po ang pagkamatay ng biktima, kasi makaraang gahasain, pinukpok pa ng bato sa ulo pagkatapos pinasakan pa ng kahoy sa puwit saka inihulog sa gilid ng bangin" ani Gueronga.