ni FER TABOY

Sugatan ang isang empleyado ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) makaraang pasabugan ng granada ang isa sa mga sasakyan ng ahensiya, ng mga hinihinalang rebelde, sa bayan ng Milagros, Masbate, nitong Biyernes.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office-5(PRO-5), tinamaan ng shrapnel ng granada ang sasakyan sa Sitio San Jose, Bgy. Jamorawon ng nasabing bayan.

Nagresulta ito sa pagkasugat ng isa sa apat na sakay na mga empleyado ng DPWH sa lalawigan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa militar, ang nasabing pagpapasabog ay isang pananakot ng NPA sa mga mamamayan at kontraktor ng isinasagawang Road Construction Project sa nasabing lugar upang makapangikil sa pondo ng nasabing proyekto.

Mariin namang kinokondena ni 2nd IB, Commanding Officer, Lt. Col. Siegfried Felipe Awichen ang nasabing karahasan.

Aniya, paiigtingin pa nila ang kanilang Community Support Program para tulungan ang mga taga-Masbate na umunlad ang kabuhayan.

Hinihintay pa ang pahayag ng DPWH sa pangyayari.