SABAK din ang Ozamiz Cotto sa Mindanao leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup na nakatakdang simulant sa Mayo 25..

Pangungunahan ang Ozamiz ni John Wilson, premyadong plauer ng Go for Gold-San Juan Knights sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ang 6-foot-2, 34-anyos na sniper ang itinanghal na MVP sa 2019-21 Chooks-to-Go Pilipinas MPBL Lakan Cup. Naitala niya ang averaged 19.3 points, 6.5 rebounds, 2.5 assists, at 2.4 steals sa 41 laro para pangunahan ang Knights second-place ng commercial league.

Makakasama ng pambatp ng Binangonan, Rizal sina team captain Pamboy Raymondo, Carlo Lastimosa, Marvin Hayes, at Joseph Eriobu.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakapaglaro si Raymundo sa GenSan Warriors sa Lakan Cup,tangan ang averaged 13.1 points, 6.4 assists, 4.9 rebounds, at 1.2 steals para mapabilang sa second All-MPBL team, habang sina Hayes at Lastimosa ay bahagi ng Manila Stars sa MBPL at si Eriobu ay nakapaglaro sa ASEAN Basketball League sa koponan ng Hong Kong sa nakalipa sna taon.

Kabilangh din sa koponan sina Jayvee Marcelino, Monching Talisayon, Jaie Berdan, Jay-ar Pagente, Kris Lucernas, Jay-r Jalem, MJ Casanova, Rey De Mesa, VJ Santos, Chris Santos, at Brent Palattao.

Sa pangangasiwa nina team owner Monching Talisayon at Wesley Sun, ang head coach ay si Miguel Borilla Jr. kasam ang coaching staff na sina Donald Ronquillo, Mark Joseph Casanova, Ian Dungca, at Aldo Panlilio.

Ang Mindanao Leg ng kauna-unahang professional basketball league sa South ay gaganapin sa Dipolog City sa Zamboanga Del Norte.